Crypto News

Saan Na Nga Ba Patungo Ang Play-to-Earn? – Cryptoday 080 – Tagalog


Kagabi, opisyal nang ni-rebrand ng Paymaya ang kanyang sarili bilang Maya sa isang magarang event na ginanap sa Rockwell. Ang bagong tagline na “It’s Everything and a Bank” ay tumutukoy sa kanilang pinanumbalik na pangakong maging nangungunang universal financial app sa bansa. Ang approach na ito ay kaaki-akit, lalo na ngayong lahat ng mga makabagong energy sa mundo ng crypto ay kumakayod sa abot ng kanilang makakaya upang maipakilala ang kanilang mga banking service at ma-reduce ang mga ito sa mga discrete protocol. (Bilang halimbawa, isipin mo kung gaano kapokus ang nararamdaman ng Compound.finance sa tuwing kinukumpara, halimbawa sa Coinbase.) 

This opinion article translated into Tagalog by BitPinas is originally from Luis Buenaventura II’s Cryptoday Column here on April 30, 2022. The Tagalog translations of Cryptoday are published one day or two days after the English version is out. (This one is six days later.) Luis is the country manager for the Philippines at Yield Guild Games, co-founder of BloomX, a licensed virtual asset exchange provider in the Philippines, and founder of the Cryptopop Art Guild. For any comments and questions, please message Luis directly on Twitter.

AliPay School of Design

Ngunit, sa tingin ko, ganito na talaga pinoposisyon ng corporate side ng crypto ang kanyang sarili noon pa man. Bukod sa Coinbase, maging ang Binance at Crypto.com ay sinusubukang i-offer ang lahat ng bagay na pwedeng sumagi sa isip ng isang average user. Sa tingin ko, pwede mo itong tawaging “the Alipay school of wallet design”, kung saan ang ideya ay panatilihing ang isang user sa loob ng iyong app sa mahabang panahon hangga’t maaari.

Ang Bagong PayMaya App

Ngayong nasabi na ang ng lahat ito, ang bagong Maya app ay mukha nang “fresh” at “unintimidating”. Kung ako ang tatanungin bilang isang frustrated designer, hindi ako gagamit ng purong itim na kulay para sa icon nito. (hindi ba’t napagdesisyunan na natin na ang pinakamadilim na kulay itim na pwede mong gamitin sa screen ay nasa range lamang ng #222).

Gayunpaman, mukha naman itong isang malaking improvement. Syempre, susubaybayan kong maigi ang kanilang crypto product para makita kung ano bang idinagdag nila sa nauna nilang 10 na supported coins. (Nagtataka pa rin ako kung bakit wala ang Dodgecoin at Avalanche doon, pero baka matagal na nilang napagdesisyunan ang mga bagay na ito noon at hindi nila napagtanto kung gaano magbabago ang industriya sa nakalipas na 12 buwan.)

Play-to-earn sa Pilipinas

Sa naturang Maya Launch Event, nabigyan ako ng 15 minuto sa entablado upang magsalita tungkol sa mga bagong economic opportunity na pinasimulan ng cryptocurrency, at syempre, lumayo ako sa usapin tungkol sa play-to-earn at sa ugat nito sa Pilipinas. 

Naging paksa ko ang Cabanatuan city, Axie Infinity, at ang scholarship program ng YGG. Tinalakay ko rin ang mga susunod na mangyayari sa parteng ito ng industriya. Ang Play-to-earn ay naging pinto patungong cryptocurrency para sa 1.5 milyong Pilipino, pero bukod sa play-to-earn, mayroon pang maraming proyekto at ideya sa paligid na hindi lang napapaloob sa anggulo ng gaming. 

Stepn

Ang hype train ay kasisimula lang: noong nakaraang linggo lamang, nakita natin ang Stepn, isang move-to-earn project, na pumasok sa top 5 na pinaka-traded token sa mundo ngayon. Nagbibigay ang Stepn ng reward sa kanilang users gamit ang crypto sa tuwing sila ay tatakbo at upang makasali, kailangan mong bumili ng NFT na sapatos sa open marketplace. 

Ang kasalukuyang floor price ay nasa lagpas $1,000 kaya naman ito ay hindi mumurahin, ngunit sa tingin ko, masasabi nating may magandang ROI ito lalo na kung ang nakukuhang benepisyo dito ay isang incentivized fitness. (Sa pinakhuling crypto meetup ko sa BGC, may isang taong nagbiro at ang kwento ay naglakad umano siya mula Quezon City dahil gusto niyang makakuha ng maraming rewards sa Stepn app. Sa tingin ko, posibleng totoo ang kanyang sinasabi.)

Metacrafters.io

Sa May 17, susuportahan ng YGG ang isang launch event sa Manila ng isang kapana-panabik na bagong proyektong tinatawag na Metacrafters.io. Ito ay isa sa mga halimabwa ng Learn-to-earn platform, kung saan ang mga estudyante ay binabayaran habang sila ay kumukuha ng online courses, na may pangunahing layuning i-connect sila sa isang direktang employment. 

Sa kasong ito, ang mga estudyante ay mga developer na nagnanais na i-upgrade ang kanilang kakayahan pagdating sa Web3. 

Ang economic model ng Metacrafters ay mas madaling maunawaan: ang pinamalalaking crypto project ay may mga grant program kung saan nagtuturo sila sa mga developer kung paano makipag-interact sa kanilang partikular na blockchain, dito maaaring magmumula ang reward na makukuha nila. 

Samakatuwid, mukha itong isang scholarship program, kung saan ang mga developer ay kailangang mag-apply upang makakuha ng courses, at ang kalidad ng curriculum ay hinuhusgahan base sa dami ng nakapasang estudyante sa naturang courses. 

Kung nais mo ng dagdag kaalaman tungkol sa Metacrafters at makasalamuha ang ilan sa YGG team, maaaring mag-RSVP dito at makitambay sa amin sa Green Sun sa May 17!

Nas Academy Cryptocurrencies

Tungkol pa rin sa “learning”: Ang aking Nas Academy Cryptocurrencies class ay bukas na para sa student signups. Ito ay isang 3-day course kung saan tatalakayin ko ang ilan sa mga mahahalagang cyrpto basics at magpapakilala rin ako ng ilang konsepto tulad ng trading, DeFi at mga NFT. Maaari kang mag-signup sa class na ito dito sa https://nasacademy.ph/luis, at maaari ka ring mag-apply para sa 100% FREE pass sa pamamagitan ng pagsagot ng scholarhsip application form na ito. 

Ang aming mga kaibigan sa PDAX ay buong pusong susuporta sa pag-sponsor ng unang batch ng mga estudyante na magsa-signup!

Magkita-kita muli tayo sa susunod na linggo, mga ka-crypto!

This article is published on BitPinas: Saan Na Nga Ba Patungo Ang Play-to-Earn? – Cryptoday 080 – Tagalog





Source link