NFT

Pinoy Artist na si Warrragwag, Kasama sa SG Crypto Art Week Asia x Tezos Exhibit


Translated from: Pinoy Artist Warrragwag is Part of SG Crypto Art Week Asia x Tezos Exhibit

Sa kanyang nakaraang panayam sa BitPinas, ibinahagi ni Warrragrag, isang Filipino interior designer-turned-artist, ang kanyang paglalakbay mula sa pagiging isang BS Architecture graduate ng UST, hanggang sa pagiging isang NFT artist sa kauna-unahang Tezos Crypto Art Exhibit. Ang event na ito, na nagtapos noong Enero 23, ay inilunsad ng TZ APAC, ang nangungunang Asia-based na blockchain adoption entity para sa Tezos blockchain, noong Singapore Art Week 2022

“I was really so happy when Crypto Art Week Asia contacted me to say that they’d want to include my work as part of Singapore Art Week,” (Sobrang saya nang ako ay kinontak ng Crypto Art Week Asia para sabihin na nais nilang isama ang aking mga gawa bilang bahagi ng Singapore Art Week.) sabi ng artist.

“I am honored and humbled to be part of this, the artists I am featured with are truly remarkable and some of the best and respected in the cryptoart world,” (Isang karangalan ang maging bahagi nito. Ang mga artist na bahagi ng exhibit ay tunay na kahanga-hanga at ilan sa mga pinakamahusay at kagalang-galang sa mundo ng cryptoart.) kanyang idinagdag.

Sino si Warrragwag?

Inalala ni Warragwag, na kasalukuyang “self-exiled sa architecture at interior design”, ang kanyang mga naunang karanasan bilang isang fresh graduate noong 90s bago siya sumabak sa Singapore. Sinabi niya na dati siyang nag trabaho sa Maynila at sa Iloilo ng panandalian, bago magtungo sa Singapore dahil na rin sa imbitasyon ng kanyang kaibigan na pumunta doon.

Ibinahagi nya din ang kanyang unang taon sa Singapore. Nagtrabaho siya sa isang architecture firm, bago siya nagdesisyong lumayo sa interior design upang magkaroon ng karagdagang “freedom of expression.”

“Or maybe I felt that way as I specialized in doing the 3d visuals and enjoyed it,” (Siguro kaya ganoon ang naramdaman ko dahil gumagawa ako noon ng mga 3d visual na lubos kong kinalilibangan.) kanyang idinagdag.

Pagpasok sa mundo ng NFT

Noong Oktubre 2020, pinasok ni Warrragwag ang mundo ng NFT subalit hindi siya pinalad na makapagbenta ng kanyang mga digital art piece bago ang kanyang pagsali sa Hicetnunc noong Marso. “At hindi na ako huminto sa paggawa ng cryptoart matapos noon.”

Samantala, lumahok si Warrragwag sa exhibit na ito gamit ang kanyang likha na ‘Rounded Boxes Anomaly 003,’ ang pangatlo sa kanyang limang series kung saan ang bawat isa ay nagtatampok ng iba’t ibang color palette.

Ayon sa artist, ang likhang ito, na namumukod-tangi dahil sa animation, ay nag-ugat mula sa kanyang pre-NFT work kung saan nagsisimula pa lamang siyang maging komportable sa paggamit ng 3d software bilang isang artistic tool.

Kanyang idinagdag na ang kanyang mga gawa mula sa Rounded Boxes na series ay nagpapakita ng isang karaniwang tema – ang co-existence ng order at chaos – na makikita mula sa mga ‘glittery’ na elemento ng kanyang mga gawa.

“And although chaos might seem to connote something negative, what we see in the piece is something glittery like a jewel, like a graceful dance from afar.” (At kahit na ang ‘chaos’ ay may negatibong pahiwatig, ang nakikita natin mula sa piyesa ay isang bagay na ‘glittery’ o makinang na parang isang hiyas, na parang isang kapupukaw na sayaw mula sa malayo.)

Ayon kay Radarboy, ang curator ng exhibit, namumukod-tangi ang gawa ni Warrragwag dahil para sa kanya “ang mga gawa ni Warrragwag ay may architectural at mayroon ding generative na pakiramdam”, sumasalamin ito sa kanyang kuwento ng pagiging isang arkitekto na lumipat sa paglikha ng art.

“Part of the curation process was looking for artists [that] I felt were on the verge of breaking out, that has a lot of potentials. And I feel he’s an artist to watch in this space – there’s a lot more interesting stuff we are going to see from him in the future,” (Bahagi ng curation process ay ang paghahanap ng artist [na] pakiramdam ko ay nasa bingit ng pagusbong, na mayroong malaking potensyal. At pakiramdam ko, sa Warrragwag ang isa sa mga isang artist na dapat antabayanan sa space na ito – marami pa tayong mga interesanteng bagay na makikita mula sa kanya at sa kanyang hinaharap.) kanyang pagtatapos.

This article is published on BitPInas: Pinoy Artist na si Warrragwag, Kasama sa SG Crypto Art Week Asia x Tezos Exhibit



Source link