NFT

Cryptoday 066 – $RON Perpetual Futures sa FTX (Tagalog)


Nitong Huwebes, inanunsyo ng Hongkong-based exchange na FTX.com na kanilang isasama ang $RON token ng SkyMavis sa kanilang Perpetual Futures market. Maraming tao ang nagulat (at nalito) dahil ang matagal nang hinihintay na token na ito ay hindi pa naman available. Ipinakilala ito noong Nobyembre ng 2020, at maraming enthusiasts (kabilang na ako roon) ang nagsimulang mangolekta ng $RON tokens sa pamamagitan ng pagpapahiram ng aming pondo sa Katana decentralized exchange. Subalit ang mga tokens na aming kinita ay hindi pa maaaring i-claim. Ano kayang nangyayari dito? Halina’t ating alamin!

This opinion article translated into Tagalog by BitPinas is originally from Luis Buenaventura II’s Cryptoday Column here. The Tagalog translations of Cryptoday are published one day or two days after the English version is out. (This one came out three days later.) Luis is the country manager for the Philippines at Yield Guild Games, co-founder of BloomX, a licensed virtual asset exchange provider in the Philippines, and founder of the Cryptopop Art Guild. For any comments and questions, please message Luis directly on Twitter.

Ano ang Futures?

Kung hindi ka pamilyar sa ‘Perpetual Futures’, narito ang maikling refresher. Sa pinakasimpleng anyo nito, ang futures market ay isang paraan para makapusta (bet) ang mga tao sa posibleng presyo (future price) ng isang asset sa hinaharap (ang Ronin token sa kasong ito). Medyo weird ang kahulugang ito, dahil karamihan naman na sa inyo ang ginagawa na ito lalo na kung bumibili kayo ng Ethereum ngayon, sa pag-asang tataas ang halaga nito sa hinaharap. Kung ginagawa mo yan, malamang ay nagti-trade ka sa spot market, bumibili ka man ng ETH o hino-hold mo ito hangang umabot ang presyo nito sa target mong presyo. O ibenta ito kung sakaling bumagsak ang halaga nito at kailangan mong isalba ang natitira sa orihinal mong kapital. 

Gayunpaman, sa futures market, hindi mo kailangang itago ang underlying asset mo: pumupusta ka lang sa magiging halaga nito sa hinaharap. Kapag nagdesisyon kang mag-cash out, ang matatanggap mo ay ang kasalukuyang presyo ng counter-currency nito, kadalasan ay USD o kaya naman ay ibang stablecoin. Tinatawag nating “derivatives” ang merkadong ito, dahil ang presyo nila ay nakuha o derived mula sa totoong presyo ng asset sa pandaigdigang merkado. Ang Kraken ay may magandang ulat tungkol sa kasaysayan ng mga crypto derivatives dito. Para ito sa mga traders na nais pang tuklasin ang mundong ito.

Ano ang Perpetual Futures?

Ang “Perpetual Futures” naman ay isang uri ng futures market na pinasikat ng Bitmex noong 2016, kahit matagal nang ginagamit ang ideyang ito. Laging may expiration date ang mga normal na futures, ito ay ang petsa kung kailan awtomatikong natatapos ang trade at natatanggap ng trader ang resulta ng kanyang pinusta. (Minsan, lahat ng pinusta ng trader ay natatalo. Hindi ito para sa mga mahihina ang loob). Sa kabilang banda, ang Perpetual Futures ay nananatiling bukas hanggang mapagdesisyonan ng trader na pindutin ang “Market Close” button o kung “Matalo na ang Pusta” nila sa madaling salita. 

Ang presyo ng mga Perpetual Futures o “PERP” ay kadalasang malapit sa tunay na spot market, dahil hindi mo naman sinusubukang hulaan ang magiging presyo ng asset sa isang eksaktong petsa sa hinaharap. Kaya naman noong inanunsyo ng FTX ang kanilang RON-PERP market, ang una kong hinala ay sinusubukan nilang malaman ang presyo nito bago pa man tuluyang ilabas ang $RON token sa merkado. (Nagpapahiwatig ito na malapit na itong i-launch marahil sa mga susunod na linggo)

RON-PERP sa FTX

Pagkagising ko kaninang umaga, halos pitong (7) oras nang nagte-trading ang RON-PERP. Lumalabas na nagsimula ang presyo nito sa $4.80 kagabi ng 11pm bago nag-‘dip’ ang presyo nito sa $4.20 sa oras ding iyon. Noong makita ko ang presyo nito kaninang umaga, naglalaro na sa $5 na ang halaga nito, at nagkataong ito rin ang personal na break-even point ko para sa aking RON staking sa Katana DEX. Kung pareho tayo ng ginawa, malamang ay nagpahiram ka rin ng pondo sa Katana DEX noong maganda pa ang palitan sa fiat ng mga ETH, AXS at SLP. Dalawang buwan na akong nangongolekta ng RON rewards, at dahil sa pagbagsak ng presyo ng merkado, kailangan ang presyo ng $RON ay umabot sa $5 para man lang masabi ko na naibalik ko ang aking ipinuhunan noong nakaraang Nobyembre. Magandang presyo na ang $5 (nagpapahiwatig ito ng 350% APR mula sa Katana liquidity pools) pero kung ito ang magliligtas sa Portfolio ko ngayong buwan, kailangan umabot sa $7 ang presyo nito 

Sinubukan kong mag-eksperimento sa pagbili ng $489 na halaga ng “RON-PERP” sa presyong $4.9850. Ang screenshot sa itaas ay kinunan isang oras matapos ko itong bilhin, kaya naman ang nakalagay sa PnL (profit & loss) ay nagka-loss daw ako ng $13. Kung iki-click ko ang “Market Close,” makakatanggap ako ng “Notional Size” mula sa trade, o $485. (Zero fees lamang ang kasalukuyang charges para sa mga future settlements sa FTX.) Masyado pang bata ang merkado ng RON-PERP at hindi pa ito gaanong aktibo… pero siguro ay dahil isinusulat ko pa lang itong newsletter na ito ngayong 8am at hindi pa gaanong nakakapag simula ang mga traders para sa araw na ito. Kasalukuyan tayong nakakakita ng $1M trade volume kada oras na siyang one-third lamang ng kasalukuyang performance ng AXS-PERP.

Ito ba ang tunay na presyo ng $RON Token?

Hayaan niyo na sagutin ko ang katanungang sigurado akong bumabagabag sa inyong isipan ngayon: ito nga ba ang tunay na presyo ng $RON? Ang sagot ay ‘Oo’ at ‘Hindi’. Tunay ang presyong ito dahil ito ang presyong sinasabi ng merkado ng RON-PERP ngayon. Pero kung inyong iisipin, maliit lamang na bahagi ng buong komunidad ng $RON ang RON-PERP, kaya hindi nito nirerepresenta ang kabuuan ng merkado. Tandaan na sa 15% ng pangkalahatang NFT transfers sa buong mundo ay dumadaan sa Ronin chain, kaya naman upang tunay nating malaman ang “eksaktong” na presyo ng $RON ay makabubuting hintayin muna natin maging available ito sa mga exchanges para ating matiyak ang tamang presyo.

Kita-kita ulit tayo next week, mga ka-crypto! Huwag sana kayong malungkot sa mga ganitong klase ng araw kung saan bagsak ang merkado.

This article is published on BitPinas: Cryptoday 066 – $RON Perpetual Futures sa FTX (Tagalog)





Source link