NFT

Cryptoday 048 – Play to Create (Tagalog)


Nagagalak akong inanunsyo na ang Cryptopop Art Guild ay naka likom ng 48 ETH habang sinusulat ko ang newsletter na ito. Ang orihinal nating target ngayong taon ay 40 ETH, pero nalampasan na natin ito matapos lang ang labinlimang (15) araw ng fundraising. Sa pondong ito ay naglalayon tayong suportahan ang 120 na artist scholars (sa kasalukuyan ay mayroon na tayong 55!) at muli nating binubuksan ang scholarship application!

This opinion article translated into Tagalog by BitPinas is originally from Luis Buenaventura II’s Cryptoday Column here. The Tagalog translations of Cryptoday are published 1 day after the English version is out. Luis is the country manager for the Philippines at Yield Guild Games and co-founder of BloomX, a licensed virtual asset exchange provider in the Philippines. For any comments and questions, please message Luis directly on Twitter

Illustration by CPAG member Fiona Saye @fionasxye

CryptoPop Art Guild! 

Kung isa kang Filipino Artist na kasalukuyang walang trabaho at gusto mong magkaroon ng kita mula sa Axie Infinity, kasabay ng pagkakaroon ng gabay mula sa ilan sa pinakamagaling na NFT artist sa bansa, kontakin mo kami! Ipadala mo ang iyong pinakamagandang gawa sa fb.com/cryptopop. Ang mga potensyal na iskolar ay dadaan sa dalawang rounds ng interview bago sila mapili, at sinusubok natin makakita ng balanse sa socio-economic na pangangailangan at sa kanyang artistic potential. 

Ang motto ng guild ay ‘play to create/maglaro para lumikha,” at ako ay lubos na nagpapasalamat para sa lahat ng suportang ibinigay ninyo sa bagong konsepto na ito. Gusto kong pasalamatan ang lahat ng taong nag-contribute sa ating pondo: Jowee Alviar ng TeamManila, AJ Dimarucot, James Deakin, Gabby Dizon, Colin Goltra, Andrew Koger, Chris Kaptein, Christo Georgiev, Ryan Sumo, Marco Palinar, Caroline Dy, Rafa Rodrigo, Jinesh Patel, @TravisForMayor, ang aking ama na si Luis C. Buenaventura, at si Peter Ing. Maliban sa pagiging grupo ng mga mahuhusay na personalidad, ang mga contributors na ito ay nagbukas ng pinto para mabigyan ng bagong oportunidad ang mga ating mga artist. Lubos akong nagpapakumbaba para sa busilak nilang pagtulong at suporta. Lubos din akong nagpapasalamat para sa dedikasyon at oras na iginugol ng ating dalawang guild managers, si Jhang at Anan. Magmimistulang imposible ang layuning ito kung wala ang tulong nila. At syempre naman, ang ating gawa ay nagsisimula pa lamang!

Axie Infinity Breeding Update

Dahil pinag uusapan ang bagong oportunidad, ang matagal ng hinihintay na Axie Breeding Update ay nagbigay ng kapansin-pansin reaksyon sa merkado. Kung sakaling nakaligtaan mo ito, tinaasan nag SLP cost kada mag breed ng malaking porsiyento, binago din nila ang AXS requirement mula 2 AXS pababa sa 1 AXS.

Karamihan sa mga players ay hindi naman nag bi-breed ng lagpas sa 3 beses kada Axie, kaya makakapag pokus tayo sa cost. (Nasa 20% lamang ng Axies sa Marketplace ang may Breed Count na 4 pataas.) Lahat ng requirements ay pinataas, at ang total SLP cost ng pagbi-breed ngayon ay umabot na sa 3,000 kumpara sa dating 1,800. Kung nagtataka ka kung bakit nila ginawa itong napakalaking pagbabago na ito, reaksyon nila ito sa patuloy na pagbabago ng presyo ng SLP. Tandaan na ang presyo ng SLP ay mababa sapagkat mas maraming nagbebenta nito (players) kumpara sa mga bumibili at gumagamit nito (breeders). 

Sa pagbabagong ito, kung gusto ng breeder na patuloy na mag-breed, nangangailangan sila ng mahigit 66% ng SLP kumpara sa dating requirement nito, ito naman ang mag papataas ng halaga ng SLP. Ramdam agad ang reaksyon ng SLP market sa anunsyong ito. Nagbago ang presyo ng SLP mula Php 3 kahapon, pataas ng Php 4.50 kaninang umaga.

Mareresolba ba nito ang kasalukuyang problema ng ecosystem ng laro? Sa pangmadalian na panahon, sa tingin ko ay oo. Tama naman ang lohika dito: Ang pagtaas ng cost sa pag breed ang pinaka simpleng pagbabago na pwedeng gawin para tumaas ulit ang halaga ng SLP.  Ang problema sa pagtataas lamang ng cost ay hindi parin nito nababawasan ang ‘player’s churn’ o ang bilang ng mga players na tumigil na maglaro ng Axie Infinity. Sa traditional na laro, kapag nag churn ang mga players, wala na silang nalilikhang revenue para sa kumpanya. Pero sa Axie, kapag tumigil sila sa paglalaro, ibinibenta nila ulit ang kanilang Axie sa marketplace. (Dahil kung hindi ay hindi na nila mababawi ang inilabas nilang puhunan.) Itinataas nito ang bilang ng Axie sa merkado pero hindi nito mababawasan ang kabuuang bilang ng SLP sa pandaigdigang supply, ito ay dahil nagpapalit lamang ng may-ari ang mga axie.

Ano ang churn rate sa Axie Infinity?

Tayo ba ay nasa “churn” state sa ngayon? Sa tingin ko ay oo. Noong nakaraang linggo, mayroong 1.98 M Axie holders, pero ngayong linggo, ang bilang nito ay bumaba ng 1.75M. Ito ang kauna unahang pagbababa na ating naitala simula…. Ngayon lang! Pero bago pa kayo mag panic, gusto ko din sabihin na tayo ay nasa 50,000 axie holders lamang nitong Mayo, kaya ang 3500% na paglaki sa loob lamang ng anim na buwan ay isang kagila gilalas na achievement. Noong Setyembre 15th, nasabi ko na bababa ang halaga ng SLP sa tatlong (3) piso bilang threshold kung saan makakapansin tayo ng pag kabawas ng players. At ito nga ang nangyari ngayong linggo. (Bakit? Sapagkat ang pagbaba sa ganitong presyo ay nangangahulugang ang kita sa axie ay mas mababa na sa minimum wage sa bansa) At sa parehas na dahilan, sa tingin ko ay makakakita tayo ng pagbabalik ng mga Axie players pag umangat na ulit ang presyo bandang 5 piso at pataas. 

Bitcoin, Twitter, at Strike

Sa mundo naman ng Bitcoin, ang Twitter at Strike ay nag anunsyo kaninang umaga na sila ay mag ti-team up para makapagbigay ng “libre at mabilis na pandaigdigang payment” para sa mg Twitter users. Hindi binanggit ng batang CEO ng Strike na si Jack Mallers na ito ay para lamang sa USA at El Salvador. Hindi rin sila nakakuha ng regulatory approval sa lahat ng estado: ipinagbabawal pa rin ito sa New York at Hawaii. Hindi pa ito pandaigdigang solusyon sa ngayon. Hindi naman ito problema ng teknolohiya – ang Bitcoin Lightning network ay dapat gumagana ng walang problema kahit nasaan ka sa mundo – ang isyu talaga dito ay ang regulatory; Noong nakaraang Miyerkules, tinanong ko kung ang BSP ba at ang kanilang kahalintulad sa US ay Anti-innovation. Ito ay dahil nag akda sila ng batas na nagbabawal sa mga lisensyadong exchanges sa Pilipinas ang mag engage sa mga protocols na gaya ng Lightning network. Kaya naman mukhang malabo na maramdaman natin ang ang epekto ng team up na ito ng Twitter at Strike.

Cryptopop Artist – Fiona Saye

Ang tampok nating Cryptopop Artist ngayon araw ay si Fiona Saye. Si Fiona ang mula sa Puerto Prinsesa, at ang kanyang mga likha ay napaka ‘cute’ na pagmasdan. Sundan nyo sya sa Twitter sa fionasxye at sundan nyo din ang ating guild sa cryptopopart!

Magkita kita ulit tayo sa susunod na linggo mga ka-crypto! Isang mapagpalang weekend sa inyong lahat!

Ang article na ito ay nailathala sa BitPinas: Cryptoday 048 – Play to Create (Tagalog)





Source link